Bumasa ng mas marami pang tula sa Filipino sa pamamagitan ng link sa ibaba. Tandaan na ang Inner Whispers ay alyas sa panulat at may kaugnayan sa litratista ng LITRa'TO. Inaanyayahan kayo na namnamin ang mga kataga at emosyon na nakapaloob sa bawat tula na narito.
________________
All poems are copyrighted @
_________________
- http://portraitwindow.blogspot.com/2012/04/nasa-ng-busilak-na-rosas.html
- http://portraitwindow.blogspot.com/2012/04/anino-ng-kandilang-naupos.html
- http://portraitwindow.blogspot.com/2012/04/hamog.html
- http://portraitwindow.blogspot.com/2012/04/kailangan-kita.html
- http://portraitwindow.blogspot.com/2012/04/mainit-na-k-t-l.html
TANIKALA
Walang laya niya'ng ginugol ang kahapong pait ang hatol
Tanikalang nag-uugnay sa kabiyak ng kaluluwa ay naputol,
Huminto sa pagtakbo, ngatal na napaluhod, humagulgol
Ano ba'ng dusa ito, tanikala'ng ginamit, bakit kinalawang at napurol?
Walang laya niya'ng ginugol ang kahapong pait ang hatol
Tanikalang nag-uugnay sa kabiyak ng kaluluwa ay naputol,
Huminto sa pagtakbo, ngatal na napaluhod, humagulgol
Ano ba'ng dusa ito, tanikala'ng ginamit, bakit kinalawang at napurol?
Kinaladkad ang tanikala, pilit kumawala
Subalit hindi mawari, bakit nakakabit, ang hirap lumaya,
Hinubad na ang lahat, iniwan pati ang pag-asa'ng ligaya
Ngunit sa tanikalang nakakabit ay sadya'ng mahirap ang paglaya.
Pilit iniiwas ang sarili, hinayaang tanikala'y kumapit
Hinayaang maramdaman ang hapdi ng hapit, sa kanya'y may hatid na pait,
Nangako'ng hindi na tututol sa hila ng tanikalang nabanggit
At hayaan na lamang dumating ang magsasalba sa kanyang pagkakapiit.
Di niya akalain, sa di sinasadyang pagkakataon
Isang ligaw na mananaliksik sa kanyang teritoryo biglang nataon,
Hinawi ang kanyang tanikala, kinalag ang nakakapit na pag-asa
Upang muli ay magkaroon siya ng ligaya na dapat na matamasa.
Ang tanikala ay natunaw, sa tindi ng parating na apoy
Nagliliyab, batid ng puso ang dikta'ng tinutukoy,
Hinangad na muling makamtan ang tunay na tanikala
Na magsisilbing hatak sa kanya sa pag-ibig na hatid ay ligaya.
Halika na, mahal ko, sana'y maramdaman mo
Samyo at init ng tanikalang matatamo
Tigib sa pag-ibig, hindi na dapat pa'ng sumamo
Ang pulidong tanikala ay tiyak matatamasa mo!
Halika na, Mahal ko...
lalagi ka'ng tanikala sa puso't isip ko!
Inner Whispers
http://www.poemhunter.com/poem/t-a-n-i-k-a-l-a/
***
This poem garnered 196 votes from readers. The most popular Tagalog poem I made and posted so far last June 29, 2008, Sunday.

No comments:
Post a Comment