Inner Whispers
ang
sagradong hubad na yapak
namataan
sa
kanyang paanan
rosas na
'sing busilak
kanya'ng
tangan.
nasa ng
hangaring
kamtin
ang hiling
ginawa
lahat ng makakaya
pangalan
Niya'y itinaya.
biloy ng
pag-asa
natanaw,
abot kamay na
umasa,
naniwala
sa
mapang-akit na ganda
higit pa
sa kinang
ng Krus
na luminang!
di
nagtagal...
naluoy
pagdaka...
talutot
ay nalagas,
busilak
na kulay ay nag-iba
naparam
ang pang-akit
at sa
kulay ng iba muling naakit!
...nasaan
ang Krus!!!
ah...
sadyang walang wagas
ang nasa
ng busilak na rosas!
http://portraitwindow.blogspot.com/p/inner-whispers-filipino-poetry.html


No comments:
Post a Comment