Sunday, April 8, 2012

HAMOG

hamog

Gabi...

dalaw ng pangungulila
pilit na ipininta sa kwadro ng gunita

makulay

libo't saring paro-paro...
lipad...lipad...lipad!
samyo ng bulaklak, awit sa pandinig nito.
hamog ng hanging amihan, butil nito'y sumibol
kumislap, umakit...

...naghihintay sa dampi ng halik!

Umaga...

hamog na umusbong...
sa loob ng salaming di matinag

namukadkad...

ahhhh...pilit kumakawala...
sa kulay ay nagliliyab
pag-isahin nawa... hamog niya ay bigyang laya!

~ InNer WhiPers ~

___________________________________________________________________




Bumasa pa ng mas maraming Tulang Filipino sa link na nasa ibaba.






This poem is copyrighted @ 



No comments:

Post a Comment