Saturday, April 7, 2012

Anino ng Kandilang Naupos

litrato

Inner  Whispers

Halik sa kandila
ng malamlam na dilaw na apoy
sabay ng usal ng panalangin
'di mawari...
pasasalamat ba
o pag-alala
sa anino ng pagmamahal
na namaalam na.

Nagdarasal ka ba?
sa blangkong mukha di makapa
liwanag ba ng kandila
ay iyong nakita?
o dili kaya'y
anino nito ay naparam na?

Kinagawian o nakagawian man
salamat pa rin naman
samyo ng nasusunog na kandila
hatid nama'y ligaya
kandila man ay maupos
hipan man ng aninong nanggigipuspos

Salamat pa rin...
sa paghatid at pag-usal ng di mawaring dalangin!



litrato

Bumasa pa ng mas maraming Tulang Filipino sa link na nasa ibaba.






This poem is copyrighted @ 

No comments:

Post a Comment